Minsan, may mga bagay na gusto mo namang sabihin… pero hindi mo alam kung paano. Kung kailan. O kung tama pa ba.

Ganun ako dati.

Tahimik lang. Kahit may gustong isigaw yung puso ko, pinipili ko pa rin yung katahimikan. Baka kasi pag nagsalita ako, mawala siya. O baka ako yung mawala.

Siya? Si Blake 'Di siya perfect, pero he tried. He stayed. He waited.

At ako? Ako yung hindi kumibo. Huling message niya? “Say something…”

Pero wala. I chose silence. I let him walk away habang tinatakpan ko yung bibig ng puso ko.


Lumipas ang mga buwan, pero yung bigat ng mga hindi ko nasabi, dala ko pa rin. Hindi pala kayang itago ng mata yung mga luhang hindi umiyak. At hindi rin pala kayang lunukin ng puso yung mga salitang hindi nabitawan.

One day, tumingin ako sa salamin. Tinanong ko sarili ko, “Bakit hindi ako nagsalita?” Pero siyempre, walang sumagot.

So bumalik ako dun sa bench kung saan kami laging nagkikita dati. Wala siyang hinihintay dun, kundi yung sarili kong tapang. May dala akong sulat, hindi para sa kanya. Para sa sarili ko.

“Akala ko kasi kapag tahimik ako, mas safe. Pero hindi pala. Lalong nasaktan. Kaya ngayon, kahit mahina, kahit nanginginig, magsasalita na ako. Sorry. Thank you. I’m ready.”

Iniwan ko yung sulat sa ilalim ng bench. Tapos umalis ako — hindi bilang talunan, kundi bilang someone na nagsimulang bumitaw sa bigat.


Hindi ko alam, pero ilang minuto lang pala, dumaan din si Blake. Pareho kaming napapadpad pa rin sa alaala. Nakita niya yung sulat. Binasa niya. Napangiti siya.


Isang taon matapos 'yon, may dalawang taong nakaupo ulit sa parehong bench. Wala nang katahimikan. Wala nang mga tanong na hindi masabi. Ang meron na lang — usapang totoo, tawang magaan, at pagmamahalan na minsang nawala sa gitna ng katahimikan.

“Say Something” – Part 2: When Silence Finally Spoke Back

Hindi ko inaasahan na babalik pa siya. Hindi ko rin inaasahan na... babalik pa ako.

Pero siguro, ganun talaga. Yung mga kwento na hindi tinapos ng salita, binibigyan pa rin ng chance ng tadhana — para ituloy, kahit huli na.